Paano ayusin ang memory at scheduling issue ng Intel Ultra 9 285K?
Habang mabilis na lumilipad, may mga micro-stutters na nangyayari, sobrang halata lalo na sa 4K resolution. Ang bagong architecture ng Intel Core Ultra 9 285K ay nagkamali ng pag-assign ng physics tasks sa E-Core; yung P-Core ay 40% lang ang load habang yung E-Core ay nag-i-spike sa 95-100%. Sinubukan ko muna yung High Performance mode sa Windows, pero walang nagbago, useless yung software switch sa ganitong architectural issue. Pumasok ako sa BIOS, pinalitan ko yung thread scheduling policy mula Auto papuntang Performance Priority, at manually kong dinisable ang dalawang l